Friday, December 5, 2008

Napakaganda ng araw na ito,katulad ng kagandahan ng aming paksa.Sina April At Julius ang naatasang tumalakay sa mga paksa.Tinalakay ni April ang tungkol sa mga unang guro ni Rizal.Masaya ako na kahit sa konting panahon ay nakilala ko ang mga butihing guro ni Rizal.
Tinalakay naman ni Julius ang mga unang karanasan ni Rizal sa kanyang unang paglalakbay,ang hirap na naranasan niya ng malayo sa pamilya ay nararanasan ko ngayon.Wala na taltgang sasaya kapag kasama mo ang iyong pamilya.Bata pa lamang,marami ng humahanga sa kanyang angking galing sa pagpipinta,patunay dito ang pagpinta niya ng bagong banner na higit na maganda sa luma.

No comments: