Friday, December 12, 2008

Ngayong araw tinalakay ni Geraldine ang unang paglalakbay ni Rizal.Pakiramdam ko kasama ako sa paglalalakbay nina Rizal at Viola sa iba't-ibang bahagi ng Europa.Naisip ko napakamura pala ng gastos sa pamamasyal noon.Parang nakikita at nakilala ko rin si Blumentritt at nakausap ang mga kilalang tao na nakilala ni Rizal.

Tuesday, December 9, 2008

Ito ang araw na binagyan kami ng pagsusulit ng pagsusulit ng aming guro.Lahat ay nabigla sapagkat hindi kami handa sa pagsusulit na iyon.Pero wala naman pala kamlng dapat ikatakot dahil napakadali lamang ng pagsusulit.Nagulo ang lahat sa lsang tanong lamang,ano ang pangalan ng aso ni Rizal?Nakakatawang tingnan ang pagkakagulo ng lahat sa paghahanap ng makokopyahang may tamang sagot.Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na iyon.

Monday, December 8, 2008

Si Mae Ann ang nag-ulat tungkol sa pag-aaral ni Rizal sa Ateneo at Sto.Tomas.Kinakitaan na agad ng galing sa pagsulat At katalinuhan si Rizal sa mga pinasukan niyang paaralan.Napatunayan niya ito ng naging emperador siya sa grupong kanyang kinabibilangan,at manalo na dalawang beses sa larangan ng pagsusulat,isa sa siulat niya nanagwagi ay ang Consejo delos Dioses o The Coucil of the Gods.Nabanggit rin na hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtuturo sa Sto.Tomas dahil sa diskriminasyon sa mga pilipinong mag-aaral.Minahal niya at minahal ang mga guro sa Ateneo sapagkat sa paaralang itopantay-pantay ang lahat.Nagbigay rin sila ng inspirasyon na mas lalo pang linangin ni Rizal ang kanyang mga talento.

Friday, December 5, 2008

Napakaganda ng araw na ito,katulad ng kagandahan ng aming paksa.Sina April At Julius ang naatasang tumalakay sa mga paksa.Tinalakay ni April ang tungkol sa mga unang guro ni Rizal.Masaya ako na kahit sa konting panahon ay nakilala ko ang mga butihing guro ni Rizal.
Tinalakay naman ni Julius ang mga unang karanasan ni Rizal sa kanyang unang paglalakbay,ang hirap na naranasan niya ng malayo sa pamilya ay nararanasan ko ngayon.Wala na taltgang sasaya kapag kasama mo ang iyong pamilya.Bata pa lamang,marami ng humahanga sa kanyang angking galing sa pagpipinta,patunay dito ang pagpinta niya ng bagong banner na higit na maganda sa luma.